Personal na mga gamit ni Taylor Swift, pinahiram para sa isang museum display sa London

Personal na mga gamit ni Taylor Swift, pinahiram para sa isang museum display sa London

PERSONAL na pinahiram ni Taylor Swift ang ilan sa kaniyang mga gamit para sa “Taylor Swift Songbook Trail” display ng Victoria and Albert Museum sa London.

Ang ilan sa mga ito ay ang customized cowboy boots na sinuot niya sa pagsisimula ng kaniyang career; ang wig at facial hair niya mula sa “The Man” music video; hand-drawn storyboards para sa “Willow” music video; at isang golden microphone na may snake detail na ginamit ng singer sa kaniyang “Reputation” tour.

Ang ukelele rin ng singer na ginamit niya sa kaniyang “Speak Now” world tour ay kasama rin sa display maging ang fisherman cap na sinuot nito sa Red (Taylor’s Version) album cover.

Nagsimula ang display noong Hunyo 27 at magtatapos ito sa Setyembre 8.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble