Peru, nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa isang linggo

Peru, nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa isang linggo

NAKAPAGTALA ang bansang Peru ng 70,000 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang linggo, ang pinakamataas na kaso mula pa nang magsimula ang pandemya.

Kumpara noong Abril 2020 na nasa 67,107 lamang na kaso ng virus ay nalampasan ito ng kasalukuyang rekord.

Ito na ang pangatlong wave ng virus na ang pangunahing dahilan ay ang Omicron variant.

Ayon sa Ministry of health ay sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit ay hindi naman tumaas ang bilang ng nasasawi.

Sa ngayon ay nasa 65% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na.

SMNI NEWS