Petisyon laban sa kandidatura ni BBM, binara ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Petisyon laban sa kandidatura ni BBM, binara ni Pastor Apollo C. Quiboloy

BINARA ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang petisyon laban sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.

Para kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Chairman ng SMNI, hindi patas ang ginagawa ng mga kalaban ni dating Senador Bongbong Marcos hinggil sa kaniyang kandidatura sa 2022 elections.

Hirit ng butihing Pastor, bakit hindi sila Senator Manny Pacquiao at Senator Liela de Lima ang ipadiskwalipika ng mga ito.

Kamakailan ay inihain ang petisyon laban sa kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos para sa pagkapangulo.

Ayon sa mga petitioners, gusto nilang ma-disqualify si Marcos sa halalan dahil hindi umano ito kuwalipikado na tumakbo sa 2022.

Sa 57 pahina ng dokumento ay ipinunto ng mga petitioner na na-convict ito noong July 1995 ng QC court dahil sa kabiguan na maideklara ang income tax returns nito mula 1982-1985.

Nagbigay ng komento si Pastor Apollo, Chairman ng SMNI hinggil dito.

Hirit ni Pastor Apollo, hindi fair ang ginagawa ng mga kalaban ni BBM.

“I-disqualify din ninyo si Pacquiao, may tax evasion case din siya eh. Para maging fair, i-disqualify ninyo siya, pwedeng i-disqualify ninyo si Pacquiao. Eh bakit si Senator Leila de Lima convicted na siya nakakulong pa, non-bailable ang kaso pero pwedeng tumakbo, bakit hindi kayo nagrereklamo?,’’ayon kay Pastor Apollo.

Ayon sa butihing Pastor, naghahanap na lamang ng butas ang mga ito dahil alam nilang hindi sila mananalo laban sa presidential aspirant.

‘’Hinahanap niyo ng butas si BBM kasi malakas siya at matatalo kayo sa eleksyon. Wow naman. Be fair. Be fair. The Filipino people do not like unfair fight. Be fair kayo, huwag kayong traydor,”dagdag nito.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of staff ni BBM, obvious na propaganda ito laban kay Marcos.

Aniya, matagal na nilang sinasabi na ang darating na eleksyon ay hindi patungkol sa nakaraan kundi ang magiging kinabukasan ng bansa.

SMNI NEWS