Kaso laban kay Marcos, walang basehan ayon sa Comelec

Kaso laban kay Marcos, walang basehan ayon sa Comelec

WALANG basehan ang kaso para sa pagdiskwalipika kay dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa pagtakbo sa pagkapangulo sa elections 2022 ayon sa isang opisyal ng Commission on Election (Comelec).

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, ang disqualification case na isinampa laban kay Marcos ay walang malinaw na basehan.

Aniya, maaari lamang madiskwalipika ang isang kandidato kapag nahatulan ito ng kasong may kabahagihanan sa “moral turpitude” o isang krimen na may kahit hanggang 18 buwan na pagkakulong.

“It doesn’t meet this criteria, so right now in order for him to be disqualified, as Justice (Antonio) Carpio opined in his article, there has to be a finding that the crime for which he was convicted involves moral turpitude,” pahayag ni Jimenez.

Nitong Nobyembre 2 ay naghain ang ilang indibidwal ng isang petisyon upang ipakansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni presidential aspirant Marcos dahil ang naturang sertipiko ay naglalaman ng pekeng representasyon.

Kabilang sa naghain sina Fr. Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, at Josephine Lascano.

Samantala, handa namang harapin ng kampo ni Marcos ang nasabing petisyon sa isang pahayag ng abogado na si Victor Rodriguez.

Ayon kay Rodriguez, tutugunan nila ang ‘predictable nuisance petition’ sa takdang panahon kapag natanggap na ang opisyal na kopya nito.

“Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does not engage in gutter politics. Our campaign is about nation building,” ayon kay Rodriguez.

“For presidential aspirant Bongbong Marcos, this election is about the future of the Filipino people,”dagdag ng abogado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.