SA nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference, selyado na ang maghaharap para sa championship title.
Nakuha ng Petro Gazz Angels ang unang spot matapos ma-sweep ang semifinals match.
Tinalo ng Angels ang Akari Chargers via straight set win sa iskor na 25-22, 25-20, 25-18.
Malaking tulong sa panalo ng koponan si Myla Pablo na gumawa ng 16 points kabilang ang 4 blocks habang nag-ambag ng 15 points si Brooke Van Sickle.
Makakaharap ng koponan sa best-of-three final series ang Creamline Cool Smashers na nakuha ang huling pwesto sa final matapos payukuin ang Choco Mucho Flying Titans.
Nagwagi rin ang Creamline via straight set win sa iskor na 25-19, 25-15, 25-15.
Pangunahan naman nina Bernadeth Pons, Tots Carlos, Alyssa Valdez at Jeanette Panaga ang panalo ng koponan.
Sa ngayon, ito na ang ika-walong final appearance ng Creamline mula noong 2018 season.
Sa pitong final appearance naman, anim dito ay nakuha ng koponan ang championship title.
Magsisimula naman ang Game 1 ng final series sa Martes, Abril 8.