PAPALITAN ng Alas Pilipinas Women ang Petro Gazz Angels sa 2025 VTV Cup.
Napagdesisyunan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na ang national team na ang representative ng Pilipinas bilang paghahanda sa magiging hectic schedule ngayong 2025.
Nilinaw naman na ang Petro Gazz Angels talaga ang first choice para sa naturang torneo ngunit hindi naiproseso sa tamang oras ang ilang kinakailangang dokumento.
Ang 2025 VTV Cup ay gaganapin sa Vietnam mula Hunyo 28–Hulyo 5, 2025.
Ito na ang magiging ikalawang international tournament ng Alas Pilipinas Women ngayong taon dahil lalahok din sila sa 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hunyo 7–14.