PH Air Force, may higit 140 bagong kinomisyon na second lieutenant

PH Air Force, may higit 140 bagong kinomisyon na second lieutenant

PINANGUNAHAN ni Department of Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro, Jr. ang pagtatapos ng 141 miyembro ng Philippine Air Force (PAF) Officer Candidate Course “BAGSIK-LAWIN” Class 2023 sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City, kahapon.

Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Teodoro ang 141 bagong kinomisyon na second lieutenant sa kanilang dedikasyon, at ang mahalagang papel sa pagprotekta sa soberanya ng bansa.

Kasabay rito, hinamon ni PAF commanding General LtGen. Stephen Pareño ang mga bagong opisyal na maging haligi ng hindi natitinag na Hukbong Himpapawid.

Dumalo rin sa graduation rites sina AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. at Air Education, Training and Doctrine Command commander Major Gen. Aristotle Gonzales.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble