PH Air Force, nagpaliwanag sa pagkaantala ng biyahe ni PBBM

PH Air Force, nagpaliwanag sa pagkaantala ng biyahe ni PBBM

NAGPALIWANAG ang Philippine Air Force (PAF) sa pagkaantala ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kanina patungong Koronadal, South Cotabato.

Nasusunod ng PAF ang “highest standards of flight safety” sa lahat ng kanilang air assets.

Ito ang tiniyak ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson Colonel Maj. Consuelo Castillo, matapos bahagyang maantala ang eroplanong sinakyan ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Castillo, sakay si Pangulong Marcos ng G280 Command and Control Aircraft ngunit ilang minuto pa lamang nang lumipad ay bumalik ito sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Nagkaroon aniya ng minor technical issue sa eroplano kaya nagdesisyon ang piloto na bumalik bilang bahagi ng precautionary measure.

Agad din namang nakalipad ang eroplano at ligtas na naihatid si Pangulong Marcos sa kaniyang destinasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter