NAKAHANDA sa mga operasyon ang Philippine Air Force (PAF) kaugnay sa Bagyong Carina at Habagat.
Nakaalerto ngayon ang Tactical Operations Wing Northern Luzon at ang kanilang Tactical Operations Group 1, 2, at 3 para sa posibleng Humanitarian Assistance and Disaster Response sa kanilang mga nasasakupan.
Ang naturang hakbang ng nasabing mga unit ng PH Air Force ay kaugnay sa patuloy na nararanasang sama ng panahon na dulot na Bagyong Carina at Habagat.
Kasunod nito nakipag-ugnayan ang nasabing unit sa mga local Offices ng Civil Defense para ma-monitor ang sitwasyon at upang makabuo agad ng plano sa pagresponde sakaling kinakailangan.
Kaugnay rito ang PAF sa pamamagitan ng kanilang 505th Search and Rescue Group ay mayroong Water Search and Rescue (WASAR) Team na naka standby, may mga naka standby na rin na mga dedicated helicopters para magamit sa mga search and rescue at air ambulance at iba’t ibang air assets na maaaring magamit sa pagsasagawa ng HADR operations.