PH Air Force, planong magsagawa ng cloud seeding sa Benguet kaugnay sa patuloy na forest fire

PH Air Force, planong magsagawa ng cloud seeding sa Benguet kaugnay sa patuloy na forest fire

BALAK ngayon ng Philippine Air Force (PAF) na magsagawa ng cloud seeding sa bahagi ng Benguet at karatig bayan.

Ito’y upang hindi na kumalat ang forest fire sa nabanggit na lugar.

Sa isang panayam kay Col. Ma. Consuelo Castillo tagapagsalita ng PAF, sinabi nito na plano nilang gamitin ang aircraft (LC 210) para sa nabanggit na cloud seeding upang maapula ang apoy.

Ngunit hindi pa nila masabi kung kailan nila ito gagawin.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang Heli Bucket Operation na kung saan gamit ang helicopter, kumukuha ito ng tubig sa reservoir na siyang binubuhos sa apoy.

Matatandaan na ilang araw nang inaapula ng mga awtoridad ang forest fire sa Benguet na kumalat na sa ibang lugar gaya ng Bokod, Tuba at Itogon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble