PUMANAW na si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana sa edad na 74.
Ito ang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ni Ambassador Chito.
Ayon sa DFA, nakipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Beijing sa Chinese authorities para sa agarang repatriation ng labi ng opisyal.
Si Sta. Romana ay itinalaga bilang Philippine Ambassador to China noong Disyembre 7, 2016 bilang pagkilala sa kanyang malalim na kaalaman sa kasaysayan at mga tao sa China.
Sa ilalim aniya ng panunungkulan ni Sta. Romana, ang relasyon ng Pilipinas at China ay yumabong sa kabila ng pagkakaiba.
Sa ngayon, wala pang binigay na detalye ang DFA sa dahilan ng pagkamatay ng opisyal.