NAGSAGAWA ang tropa ng 5th Infantry Division kasama ang Australian Army ng command post, signal operations, mortar firing, close quarter battle (CQB) at Tactical Combat Casualty Care (TC3) drills.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng nagpapatuloy na Exercise Kasangga na ginanap sa lalawigan ng Isabela at probinsiya ng Kalinga.
Ang Command Post Exercise ay ginawa sa Brgy. Bating, Ilagan, Isabela.
Habang ang mortar live-fire exercises naman ay ginawa sa Santor Patrol Base sa Rizal, Kalinga.
Ang Exercise Kasangga ay isang taunang bilateral training exercise na naglalayong naglalayong palaguin ang ugnayan ng Army-to-Army at interoperability sa pagitan ng Philippine Australian Army.