INALALA ng Philippine Army ang naging ambag at katapangan noon ng Hunters-ROTC guerrillas sa isinagawang wreath-laying ceremony na ginanap sa Hunters-ROTC Monument sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Kung matatandaan ang Hunters-ROTC ay binubuo ng mga batang kadete mula sa Philippine Military Academy na nag-uumapaw ang pagmamahal sa bayan at sumali sa digmaan laban sa mga hapon.
Noong taong 1942 sila ay nakapag-recruit at inorganisa ang ROTC mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila para maka buo ng mga unit.
Ayon kay Army Vice Commander Maj. Gen. Leodevic B. Guinid maaaring mga bata pa ang mga kadete ngunit ang kanilang tapang at pagmamahal sa bayan ay nag-iwan ng hindi mabuburaang marka sa kasaysayan ng Pilipinas.
Aniya ang kuwento ng mga Hunters-ROTC ay patunay sa matibay na espiritu ng mga Pilipino sa harap ng mga pagsubok.