PORMAL na nilagdaan ng Philippine Army at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapalakas ng reserve force at ROTC sa isang seremonya sa Headquarters Philippine Army, Fort Bonifacio, Taguig City.
Sa ilalim ng kasunduan, itataguyod ng ULAP ang partisipasyon ng mga LGU sa pagpapalakas ng reserve force sa pamamagitan ng pagsuporta sa reserve companies at ROTC programs.
Makikipagtulungan din ang mga lokal na opisyal sa pagtatatag ng provincial mobilization centers upang mapabuti ang koordinasyon sa humanitarian assistance at disaster response (HADR) at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad.
Magbibigay naman ang Philippine Army ng pagsasanay para sa mga LGU sa pagtatatag ng mobilization centers, pagbubuo ng reservist companies, at pagpapalakas ng local peace and security councils.
Tutulungan din ng Philippine Army ang ULAP sa pagbuo ng mga polisiya para sa pambansang seguridad at pang-ekonomiyang pag-unlad.