Ph Chamber of Food and Agriculture Inc., suportado si PBBM sa unang 100 araw nito sa pwesto

Ph Chamber of Food and Agriculture Inc., suportado si PBBM sa unang 100 araw nito sa pwesto

SUPORTADO ng Philippine Chamber of Food and Agriculture Inc. ang unang 100 araw sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa presidente ng grupo na si Danny Fausto, nakita ng lahat na ginawa ni PBBM ang lahat ng kanyang makakaya para gampanan ang pagiging agriculture secretary.

Diin ni Fausto, malaking hamon ang kinaharap ni PBBM sa Agriculture Department dahil umupo siya na walang pera ang tanggapan.

“When the President started his office ubos ang pera ng treasury. And he’s doing the best that he can to really go through this. Kaya sabay-sabay pa yung nangyari around abroad ano,” ani Faustino.

At dahil dito, malaking development na ang Pangulo ang Agriculture Secretary dahil gagalaw ang lahat ng resources.

‘Excellent’ naman ang marka ng grupo sa performance ni PBBM sa unang 100 araw ng kanyang pamumuno at tiniyak ang patuloy na suporta nila sa administrasyon.

‘’To gauge him and to give a rating, I think he’s still very good, excellent pa rin. Iba talaga pag ang presidente ang secretary of agriculture lahat gagalaw eh. Pag iba ang nandidiyan nakaupo disgrasya tayo,’’ saad nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter