Pilipinas, nasa tamang landas base sa mataas na survey score ni PBBM sa Pulse Asia

Pilipinas, nasa tamang landas base sa mataas na survey score ni PBBM sa Pulse Asia

IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na ‘on-track’ o nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag dahil sa mataas na approval rating na nakuha ng administrasyon sa pinakahuling Pulse Asia survey sa 13 issues na pinatutugunan ng taumbayan sa pamahalaan.

Para kay Romualdez, tama ang naging pasya ni PBBM na unang tutukan ang pagbuo ng magaling na economic team na siyang bubuno sa lahat ng hamon sa ekonomiya.

“He started on the right foot by convincing the best and the brightest and most capable among Filipinos to serve the people by joining his economic team and his Cabinet,” giit ng House Speaker.

Giit din ng House Speaker na tama ang pasya ng administrasyon na buksan ang ekonomiya kasabay ng pagtiyak na hindi sisipa ang kaso ng COVID-19 dahil marami ang nagkaroon ng trabaho.

Nanawagan naman ang lider ng Kamara sa lahat na maging mahinahon ang lahat at magpapasensya dahil ginagawa lahat ng pamahalaan ang lahat ng paraan para makabangon ang bansa.

“Let us be patient. With the cooperation of everyone, we will get there. President Bongbong has said he would not let even a single Filipino added to the ranks of the poor,” saad ng House Speaker.


Follow SMNI NEWS in Twitter