MAGSASAGAWA ang Pilipinas, Japan at Estados Unidos ng kauna-unahang Trilateral Leaders’ Summit ngayong Abril 11, 2024.
Inanunsiyo ito ng United States Embassy sa Pilipinas.
Si US President Joe Biden ang magiging host nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japan Prime Minister Kishida Fumio sa White House.
Tatalakayin sa naturang pagpupulong ang inclusive economic growth, clean energy supply chains, climate cooperation, at iba pa.
Kasama rito ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region at sa ibang panig ng mundo.