PH National Wrestling Team, target masungkit ang medalya sa darating na 32nd SEAG sa Cambodia

PH National Wrestling Team, target masungkit ang medalya sa darating na 32nd SEAG sa Cambodia

TARGET ng Philippine National Wrestling Team na masungkit ang 6 na medalya sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa May 5-17 sa Phnom Penh, Cambodia.

Ayon kay National Team Coach Efrelyn Calitis, posible na makuha ng mga atleta ang gold medal dahil sa mas maganda at mas mataas ang chance nila kung ang training camp ay sa abroad.

Dagdag pa nito na may sapat din silang panahon para paghandaan ang biennial meet kumpara noong nakaraang Vietnam Sea Games 2022.

Matatandaang nakakolekta lamang ng 7 pilak at 5 tanso ang National Wrestling Squad sa nakaraang Vietnam Sea Games.

Follow SMNI NEWS in Twitter