PH Navy nasagip ang 26 katao na sakay ng lumubog na bangka sa Tawi-Tawi

PH Navy nasagip ang 26 katao na sakay ng lumubog na bangka sa Tawi-Tawi

NAILIGTAS ng Philippine Navy ang dalawampu’t anim na katao na pasahero ng lumubog na motor launch M/L Bangsata malapit sa Taganak Island sa Tawi-Tawi.

Unang namataan ng Singapore-flagged tanker Eonia ang lumubog na bangka na agad ini-ulat sa mga awtoridad.

Dahil dito, mabilis na rumesponde ang Naval Monitoring Station (NMS) Taganak at Patrol Craft PC390.

Eksaktong 9:05 PM ng A-dise Sais ng Marso nang marating ng mga rescuer ang pinangyarihan insidente kung saan natagpuan ang mga pasahero na nakakapit sa mga debris ng bangka.

Sa loob ng isang oras, ligtas na nailipat sa barko ang dalawampu’t anim na biktima at nabigyan ng pagkain, damit, at medikal na tulong.

Dinala ang mga ito sa Taganak Pier at itinurn-over sa Taganak Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Hinimok naman ng Philippine Navy ang publiko na mag-ingat sa paglalayag, lalo na sa masamang panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble