NAIUWI ng Philippine Soft Tennis National Team ang isang gintong medalya, apat na silver, at tatlong bronze medalya mula sa 18th Poland Cup International Soft Tennis Tournament na ginanap sa Grodzisk Mazowiecki, Poland.
Ipinamalas ng koponan ang kanilang husay at dedikasyon sa unang international appearance nila ngayong taon bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Asian Championships sa Setyembre na gaganapin sa South Korea.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga atleta sa patuloy na suporta ng sambayanang Pilipino at umaasang madadala nila ang kanilang tagumpay sa mga susunod pang kompetisyon upang patuloy na itaas ang pangalan ng Pilipinas sa larangan ng soft tennis.