Phased implementation ng K-10 Curriculum sa buong bansa, mas pinaghahandaan ng DepEd

Phased implementation ng K-10 Curriculum sa buong bansa, mas pinaghahandaan ng DepEd

MAS pinaghahandaan ng Department of Education (DepEd) ang phased implementation ng MATATAG Curriculum (K-10 Curriculum) sa higit 40,000 paaralan ngayong taong 2024.

Sa national summit ng mga pilot

implementer ng MATATAG Curriculum, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na sisimulan na sa mga susunod na linggo ang pagsasanay sa mga division instructional leader.

Patuloy ani VP Duterte ang pagsasanay sa mga regional at division trainer hanggang sa maabot ang bawat guro sa bawat paaralan na magtuturo ng Kinder, Grades 1, 4, at 7 sa susunod na school year.

“We expect school-based trainings for teachers in the form of collaborative expertise sessions through the Learning Action Cells. We expect these sessions to happen in a supportive and respectful environment where teachers can ask questions or share insights, thereby strengthening their knowledge of curriculum content and teaching strategies,” ayon kay VP Sara Duterte.

Sinabi ni Vice President Duterte na ang kanilang pagsisikap na bigyan ng pagsasanay ang mga guro ay nagpapakita ng kanilang matibay na pangako na bigyan sila ng kailangan na suporta upang magtagumpay ang K-10 Curriculum.

“By fostering a deep understanding of the MATATAG Curriculum in all levels of our education system, we can maximize its impact and ultimately enhance the experience of our learners,” dagdag nito.

Pinasalamatan naman ni VP Duterte ang mga 35 paaralan sa pitong rehiyon sa bansa na unang sumalang sa pilot implementation ng K-10 Curriculum.

Nasa higit 380 na guro at higit 8,200 na estudyante ang lumahok sa pilot implementation.

Ang nasabing curriculum ay hakbang ng DepEd upang hindi na kinakailangang madalian ang pagtuturo ng mga guro.

Nakatuon ito sa mga pundamental na kasanayan sa literacy, numeracy at socio-emotional skills na kasanayan sa mga unang baitang.

Pinalalakas nito ang good manners and right conduct, values education at peace education, at mga kasanayang naaangkop sa 21st Century.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble