Philexport First Concept Store, binuksan sa SM Urdaneta Central, Pangasinan

Philexport First Concept Store, binuksan sa SM Urdaneta Central, Pangasinan

BINUKSAN sa SM City Urdaneta Central ang kauna-unahang concept store ng Philexport kung saan makikita ang pang-export quality na mga produkto na gawa mula sa Small and Medium-Scale Enterprises (SMSEs) ng Rehiyon 1.

Ayon sa presidente ng Philexport Region 1 na si Jocelyn O. Perez, dati nang nag-i-exhibit ang Philexport ng kanilang mga produkto sa lahat ng SM Mall sa bansa ngunit ngayon ay napag-isipan nilang magtayo ng permanenteng store sa loob mismo ng nasabing mall.

Aniya, ang Concept Store ay magiging daan para sa mga MSMEs na mai-market ang kanilang mga produkto.

 “We are thinking of making it into…para sa mga micro small enterprises so they can have an avenue to market their products. So, it’s the first concept, yes.”

“This store can make them realize that ‘hey, ito palang product ko mabili puwede pala siyang i-export,’ with a little twist. I do wish and pray na ito ‘yung maging avenue nila to realize that merong potential ang products nila,” ayon kay Jocelyn O. Perez, President, Philexport Region 1.

Nilinaw naman ni Perez ang maling akala kaugnay sa Philexport na pinaniniwalaan ng marami na tanging exporter lamang ang maaaring maging miyembro nito.

 “Since ang tawag sa company is Philexport, akala nila mga exporters kami but not really. Membership could come from mga supporting companies like ‘yung mga travel agencies and we have expanded to farm tourism and hindi lang naman exporter, would be exporters. There is always a posibility for products to be exported,” dagdag ni Perez.

Ayon naman sa provincial director ng Department of Trade and Industry (DTI)- Pangasinan na si Natalia B. Dalaten, unti-unti nang nakaahon ang SMES mula sa hamon na dulot ng pandemya ng nakaraang mga taon.

Naging katulong din aniya ang DTI- Pangasinan sa mga SMES partikular na sa food packaging, product development, marketing kabilang na ang pag-uugnay sa kanila sa iba pang malalaking institusyon gaya ng SM Malls.

“Nag-i-start na silang magka-bounced back, ibig sabihin bumabalik na ‘yung dati na kanilang production, bumabalik na ang kanilang mga sales, may ilan-ilan din namang hindi na nagpapatuloy because of the pandemic at marami namang umusbong na panibagong mga SMSEs,” ayon kay Atalia B. Dalaten, Provincial Director, DTI- Pangasinan.

Samantala, ibinahagi ni Myrna C. Bituin, Board of Trustee-Region 1 ang Philexport national na tumaas ang export ng lalawigan ng Pangasinan at ito na ngayon ang nangungunang exporter sa Region 1.

“It is worth noting that over the past years merchandize exports of the province of Pangasinan have been significally growing. Tingnan po natin ang mga figures, from US$255, 668 in 2018 exports have in fact leap to a whooping US$1.6-M in 2022 making Pangasinan the region’s top exporter,” ayon kay Myrna C. Bituin.

Kabilang sa mga produktong ini-export ng Pangasinan ang food products gaya ng bangus, mangga at mga produktong gawa sa kawayan, furnitures, at handicrafts.

Present din sa grand opening ng Philexport concept store ang Pangasinan Tourism Officer na si Malou Elduayan para maghanap ng mga bagong produkto na ilalagay sa souvenir shop ng malapit nang mabuksang provincial museum na matatagpuan sa Casa Real sa Lengayen, Pangasinan bilang suporta na rin sa SMSEs.

 “Gaya ng ganitong event, kaya ako actually ‘nan dito kasi i’m discovering ‘yung mga new items produced by skilled Pangasinenses kasi siyempre as part of the museum, we have the souvenir shop na ila-launch din. So, I’m trying to discover more of our new products,” ayon kay Malou Elduayan, Pangasinan Tourism Officer.

Para sa SM Malls, hindi sila magsasawa sa pagtulong sa SMSEs bilang backbone ng ekonomiya at susuporta sa pagtatayo ng Philexport ng permanent store sa kanilang pasilidad.

 “This is the kind of entrepreneurship and ecosystem we want to obtain, a unifying effort to bring prosperity to all because we will be able to help these 99.6% of SMSEs we are practically building the nation. We firmly believed that having Philexport in the brick and mortar channel will be an instrument to showcase the SMSEs their unique product ideas for everyone,” ayon kay Abraham Malicdem, Mall Manager, SM City Urdaneta Central.

Para naman sa nais pumasok sa negosyo partikular na sa pag-i-export, payo ni Philexport Board of Trustee Myrna Bituin na alamin ang negosyo, at dumalo sa mga seminar na may kaugnayan sa negosyo at pag-i-export.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter