DSWD, magtatayo ng satellite offices sa SM Supermalls

DSWD, magtatayo ng satellite offices sa SM Supermalls

MAGTATAYO ng satellite offices ang Department of Social Welfare and Development (DSWD sa SM Supermalls.

Ito’y matapos nakipag-ugnayan ang SM Supermalls sa national government upang gawing accessible sa lahat ang programa ng gobyerno.

Ayon kay SM Supermalls President Steven Tan, may kasunduan sila sa pagitan ng DSWD sa pagtatayo ng satellite offices.

Ani Tan, itatayo ito sa SM Supermalls sa buong bansa na pasisimulan sa 21 na lokasyon sa ilalim ng SM Malls’ Government Service Express Center.

Libre ding magagamit ng DSWD ang mga pasilidad ng SM Supermalls para sa events, exhibitions, at preposition goods para sa disaster response.

Maririnig din sa SM Supermalls ang mga mahahalagang anunsiyo ng DSWD.

Saad naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na welcome development ang patuloy na partnership ng pamahalaan at ng SM.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter