PhilHealth, ‘di dapat umaasa lang sa kontribusyon –Atty. Roque

PhilHealth, ‘di dapat umaasa lang sa kontribusyon –Atty. Roque

HINDI dapat umaasa ang PhilHealth sa kontribusyon.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Harry Roque dahil sa ilalim ng Universal Healthcare Law, aniya, hindi lang dapat limitado sa premiums ang benepisyo ng isang Pilipino.

Matatandaang sa isang hearing ng Senado, isinusulong ni Senator JV Ejercito na mai-subsidize ng pamahalaan ang kalahati ng premium contributions ng PhilHealth gaya na lang ang para sa OFWs.

Para naman kay Atty. Roque, hindi angkop sa panahon ngayon na taasan ang premium contributions subalit tutustusan ito mula sa kaban ng bayan.

Samantala, ipinanawagan ni Atty. Roque na dapat nang masolusyonan ang korupsyon sa PhilHealth. PhilHealth 

Follow SMNI NEWS in Twitter