SAKLAW na ng benefit packages ng PhilHealth ang emergency procedures at ibang mga serbisyo para sa mga outpatient.
Epektibo na ito simula Enero 1, 2025 sa pamamagitan ng PhilHealth Circular No. 2024-0033.
Partikular naman na mga kaso na kasali sa ‘outpatient emergency care benefit’ package ang pagkahilo, pagtatae, tuloy-tuloy na pagsusuka, mataas na presyon ng dugo, non-traumatic bleeding, seizures, matinding pananakit ng ulo, at sexual assault.
Kasama rin dito ang essential emergency care services gaya ng electrocardiogram, nebulization, intubation, X-Ray, CT scan, laboratory tests, at mga gamot.