Philippine Air Force, lumahok sa Exercise Pitch Black 2022 sa Australia

Philippine Air Force, lumahok sa Exercise Pitch Black 2022 sa Australia

LUMAHOK ang Philippine Air Force sa Exercise Pitch Black 2022 (PBK22) na pinangunahan ng Royal Australian Air Force.

Tinatayang 100 fighter at support aircraft, at 2,500 personnel mula sa 15 bansa kabilang ang Germany, France, India, Indonesia, Japan, South Korea, Singapore, United States, at Australia ang nakikibahagi sa ehersisyo na nagsimula noong Agosto 19 at tatagal hanggang Setyembre 8.

Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ang Exercise Pitch Black ay isang biennial event at itinuturing na pinakamahalagang tactical air activity na isinasagawa sa rehiyon.

Layunin ng mga kalahok na pahusayin ang kanilang mga kakayahan sa air campaign planning at air battle management.

Inaasahan na dadalo sina Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Connor Anthony Canlas at Air Defense Command Commander Major General Augustine Malinit sa huling linggo ng ehersisyo.

Pagkakataon din ito ng Pilipinas na palakasin ang relasyon at pakikipagtulungan sa ibang Air Force.

Follow SMNI NEWS in Twitter