Philippine Consulate sa Hawaii, kinumpirmang walang Pilipinong nasawi sa wildfires

Philippine Consulate sa Hawaii, kinumpirmang walang Pilipinong nasawi sa wildfires

KINUMPIRMA ng Philippine Consulate General sa Honolulu na walang Pilipinong naiulat na nasawi sa nangyayaring wildfires ngayon sa Hawaii.

Pero tiniyak ni Consul Pamela Duria-Bailon na patuloy itong makikipag-ugnayan sa lokal na awtoridad para sa monitoring sa sitwasyon ng mga Pilipino doon partikular na sa isla ng Maui.

Matatandaan na umabot na sa 53 katao ang nasawi sa nangyaring wildfire sa Hawaii lalo na sa bayan ng Lahaina na isang sikat na tourist destination sa Maui Island.

Sa ngayon, nasa 300 kabahayan sa Maui Island ang nasira at daan-daang turista at residente na ang inilikas.

Nagsimula ang wildfires sa Maui noong Martes dahil sa lakas ng hangin na dala ng Hurricane Dora.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter