Philippine Village Hotel, ide-demolish para sa pagsasamoderno ng paliparan—MIAA

Philippine Village Hotel, ide-demolish para sa pagsasamoderno ng paliparan—MIAA

NAKAHANDA na ang mga tauhan ng Pasay City Government na i-demolish ang abandonadong Philippine Village Hotel.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, hinihintay na lang ang permit mula sa Pasay City Government para isagawa ang demolisyon.

Sinabi ni Ines na malaki kasi ang plano ng consortium sa lote ng dating gusali para sa gagawing modernisasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang nanalong bidder para sa privatization ng NAIA ay nakuha ng San Miguel Group na ngayon ay tinatawag nang New NAIA Infra Corporation (NNIC).

Ang Philippine Village Hotel ay isang abandonadong hotel na matatagpuan sa loob ng Nayong Pilipino Complex, sa tabi ng NAIA Terminal sa Lungsod ng Pasay City, Metro Manila.

Kinilala ito bilang unang airport hotel sa Pilipinas.

Ang hotel ay itinayo noong 1974 ng Philippine Village Hotel Inc. (PVHI), na umuupa sa lupain ng Nayong Pilipino sa loob ng 21 taon pero dahil sa isyu ng pagkakautang ng hotel ay natigil ang operasyon nito noong Mayo 2001.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter