HANDA na ang tatlong tennis players ng Pilipinas na magiging kinatawan ng bansa sa 19th Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China.
Ang mga bubuo ng national team ay sina US-based Ruben Gonzales, Francis Casey Alcantara, at Alex Eala kasama ang coach nilang si Cris Cuarto.
Samantala, ang tennis competition sa Asian Games ay naka-iskedyul mula Setyembre 24 hanggang 30 sa Hangzhou Olympic Sports Expo Center Courts.
Matatandaang noong nakaraang linggo, nakapasok si Eala sa main draw ng USD100,000 event sa Tokyo, Japan bilang qualifier.