INILUNSAD ngayong araw ng Philippine Post Office (PhilPost) ang stamps o selyo para kay yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Binuksan din ng PhilPost ang exhibit kung saan tampok ang mga koleksyon at memorabilia ng dating pangulo.
Pinangunahan naman ang paglulunsad ng FVR stamp at commemorative exhibit nina Postmaster General Normal Fulgencio at anak ni FVR na si Cristina Ramos kasama ang iba pang miyembro ng pamilya.