NAGPALABAS ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang Tsunami Alert ngayong umaga, Abril 3, 2024 sa posibleng pagtama ng tsunami sa mga baybayin ng halos 23 lalawigan sa ating bansa.
Ang Tsunami Alert ay bunsod ng 7.5 na lindol na yumanig sa bansang Taiwan ngayong araw.
Kasama ang mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Catanduanes sa Bicol Region na posibleng makaranas ng ‘di pangkaraniwang paglaki ng alon sa dalampasigan.
Pinapayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng shipping lines at mga pasahero na maging alerto at maghanda sa posibleng epekto ng tsunami.
Ibayong pag-iingat po para sa lahat.