INIULAT na isa ang personal cell phone number ni Facebook CEO Mark Zuckerberg ang kabilang sa 533 milyong Facebook account na nag-leak na madaling makuha ng publiko.
Gumawa ang mga security breacher ng malaking database ng mga ninakaw na numero na naka-link sa Facebook account at ipino-post ito sa forum ng Hackers na madaling maipasa kanino man na may basic computing skills ayon sa Bloomberg.
“Regarding the Facebook leak of the 533M people —the irony is that Mark Zuckerberg is regrettably included in the leak as well. If journalists are struggling to get a statement from Facebook, maybe just give him a call, from the tel in the leak?” ayon kay data security Dave Walker.
All 533,000,000 Facebook records were just leaked for free.
This means that if you have a Facebook account, it is extremely likely the phone number used for the account was leaked.
I have yet to see Facebook acknowledging this absolute negligence of your data. https://t.co/ysGCPZm5U3 pic.twitter.com/nM0Fu4GDY8
— Alon Gal (Under the Breach) (@UnderTheBreach) April 3, 2021
Ayon sa ulat, binibigay ng mga hacker ang sensitibong impormasyon ng datus ng Facebook Inc. kagaya ng phone number sa birtuwal nang libre.
Ang mga nailantad na datus ng Facebook users ay mula sa 106 bansa kung saan 32 milyong rekord ang nag-leak sa U.S. pa lang, 11 milyon sa U.K., at 6 milyon mula sa India.
Kabilang sa mga confidential information ang full names, birth dates, complete bio, Facebook IDs, at maging ang email address ng Facebook users.
Denepensahan naman ng Facebook ang isyu at sinabing ibinasura na ang mga nasabing datus noong 2019 dahil sa ‘vulnerability patch’ at sobrang tagal na ng mga account.
Gayunpaman, inamin ng Facebook na maari pa rin itong magamit sa masamang elemento para sa identity theft o fraud.
(BASAHIN: Facebook, inilunsad ang Blood Donations feature sa Pilipinas)