Pilipinas-Argentina, pumirma ng kasunduan sa ‘peaceful’ na paggamit ng space tech

Pilipinas-Argentina, pumirma ng kasunduan sa ‘peaceful’ na paggamit ng space tech

NAGKASUNDO ang Philippine Space Agency (PHILSA) at Argentina’s National Commission on Space Activities (CONAE) para sa mapayapang paggamit ng outer space information.

Nakasaad sa memorandum of understanding ng dalawang bansa ang pagmamasid sa lupa mula sa kalawakan, paggamit ng impormasyon ng satellite para sa mga pag-aaral sa kapaligiran, likas na yaman at pamamahala sa emergency, pag-unlad ng mga satellite system at ang kanilang mga aplikasyon, imprastraktura para sa mga sistema sa kalawakan at ang kanilang mga aplikasyon, edukasyon at pagsasanay sa kalawakan, at promosyon sa industriya.

Maliban dito, nilagdaan din ng Pilipinas at Argentina ang pagsulong sa paggamit ng teknolohiya sa kalawakan para alamin ang pagkilos sa klima o ang space climate observatory.

Nakikita ng PHILSA na makatutulong sa bansa ang inisyatiba na makaiwas sa mga sakuna sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa himpapawid.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter