IPINAGPATULOY na nang Pilipinas at Vietnam ang joint research sa South China Sea.
Nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na muling ipagpatuloy ang Joint Maritime Scientific Research Expedition (JOMSRE) nito sa South China Sea.
Ito ay napagkasunduan ng dalawang bansa sa kasagsagan ng ika siyam na Philippines-Vietnam Joint permanent working group on maritime and ocean concerns noong Nobyembre 8.
Wala namang karagdagang detalye na ibinigay ukol sa pagpapatuloy ng research ng JOMSRE na sinuspinde mula pa noong 2007.
Matatandaan na parehas ang Pilipinas at Vietnam na mayroong pagmamalasakit sa South China Sea kung saan pareho rin itong claimants kasama ang China, Malaysia, Brunei at Taiwan
Ang JOMSRE ay unang isinulong ng Pilipinas at Vietnam noong 1994 para magkaroon ng tiwala sa isa’t-isa sa pamamagitan ng mga aktibidad sa South China Sea.