Pilipinas, bukas sa lahat ng paraan para maresolba ang tensiyon sa WPS

Pilipinas, bukas sa lahat ng paraan para maresolba ang tensiyon sa WPS

BUKAS ang Pilipinas sa anumang paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang China.

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahit pa aniya sa paraan na iakyat ito sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ito’y kahit na hindi binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng bansa at China.

Pero sabi ni Bersamin, malinaw naman ang naging posisyon ng Pangulo sa isyu at tiniyak na hindi nito isusurender ang teritoryo o soberanya ng bansa.

Gayunman, aminado si Bersamin na kahit na magkakaroon ng resolusyon ang UNGA ay posible pa rin itong babalewalain ng China.

Pero nilinaw ng opisyal na ang paglapit sa UNGA ay isa lang sa mga diplomatikong paraan para maresolba ang umano’y agresyon ng China sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble