Pilipinas, ika-61 sa World Digital Competitiveness 2024

Pilipinas, ika-61 sa World Digital Competitiveness 2024

BUMABA ang puwesto ng Pilipinas sa IMD World Digital Competitiveness Ranking ngayong taon.

Batay sa ulat, nasa ika-61 ang Pilipinas mula sa 67 bansa na kasali sa rankings hinggil sa kalakasan at kahinaan ng kanilang digital economy.

Itinuturong dahilan nito ay ang pagbaba ng bansa sa knowledge at technology rankings.

Tanging sa future readiness lang umakyat ng isang puwesto ang bansa.

Samantala, ang Singapore ang nanguna sa rankings at sinundan ng Switzerland.

Pangatlo ang Denmark, pang-apat ang Estados Unidos at panglima ang Sweden.

Noong 2023 ay ika-59 sa puwesto ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble