Pilipinas, kabilang sa dumalo sa kauna-unahang Land Forces Meeting sa Japan

Pilipinas, kabilang sa dumalo sa kauna-unahang Land Forces Meeting sa Japan

MATAGUMPAY na nagtapos ang kauna-unahang Land Forces Summit ng mga pinuno ng Armed Forces mula sa apat na mga bansa na ginanap sa Japan.

Pinangunahan mismo ni Commanding General Philippine Army (CGPA), Lt. Gen. Roy M. Galido, ang delegasyon nito kung saan nagsilbing host ang Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF) sa Camp Ichigaya, Shinjuku, Tokyo na nagsimula noong Disyembre 12 at nagtapos kahapon Disyembre 14, 2023.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Army na si LTC. Louie Dema-ala, mahalaga aniya para sa panig ng Pilipinas ang makibahagi sa nasabing pulong para sa mga paparating na pagsasanay at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas, Japan, Australia, at Estados Unidos.

Pilipinas, pinaghahandaan na ang paglahok sa Tri-Lateral Exercise kasama ang Japan sa susunod na taon

Nauna nang pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na trilateral exercise sa pagitan ng Pilipinas at Japan kasama ang Amerika kung saan hinihintay na lamang ang pinal na kasunduan ukol dito.

Sa ngayon aminado ang Pilipinas na marami pa ang mga kinakailangan nilang pagsasanay para lalo pang mapalakas ang puwersa ng sandatahan na magagamit lalo na sa mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa sa usapin ng sobereniya.

Bukod kay LtGen. Galido, nakasama nito si Chief of Staff Gen. Yasunori Morishita, US Army Pacific Chief Gen. Charles A. Flynn, U.S. Marine Corps Forces Commander Gen. William M. Jurney.

Kasama rin sina Lt. Gen. Simon Stuart, ang chief of the Australian Army, at Philippine Marine Corps Commandant Maj. Gen. Arturo G.  Rojas sa nasabing summit.

Ito ang unang meeting ng top leaders ng Pilipinas, Japanese, U.S., at Australian Land Forces na layong talakayin ang mga estratehiya lalo na sa defense cooperation nito sa loob ng Indo-Pacific region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble