Pilipinas, kawawa sa kamay ni Pacquiao kung mananalo itong pangulo sa 2022

Pilipinas, kawawa sa kamay ni Pacquiao kung mananalo itong pangulo sa 2022

KAWAWA ang mga Pilipino sakaling manalo si Manny Pacquiao bilang pangulo ng bansa.

Ito ang hayagang sinabi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson as panayam ng SMNI News.

Paliwanag ng dating kaibigan ni Pacquiao, ito ay dahil sa mga maliliit lang na bagay ay nagkakakamali na ito.

Kasunod ito sa isyu na ibinulgar ng dating business agent ni Pacquiao na si Jayke Joson.

Magugunitang ayon kay Joson, tinakbuhan ni Pacquiao ang mahigit 165 milyong pisong advance payment nito sa Paradigm Sports nang hindi itinuloy ang laban kay Mikey Garcia at sa halip ay nakipag-usap sa kampo ni Errol Spence.

Kaugnay nito, hiling naman ni Singson kay Joson na sakaling totoo nga ang isyung inilantad nito ay dapat ilabas na rin nito ang mga ebidensya.

Samantala, naniniwala naman si Singson na hindi talaga para kay Pacquiao ang pagka-pangulo ng bansa at kawawa lang ang Pilipinas.

Mas maganda aniya na ipaubaya nalang ito ng senador sa mas may pinag-aralan at sa halip ay tumakbo nalang muli bilang senador.

Ayon pa kay Singson, kung gusto naman ni Pacquiao na tumulong sa taumbayan, mas mainam kung magtayo nalang ito ng sariling foundation.

Maliban pa dito, posibleng malugi o ma-bankrupt pa ang senador dahil mababaon lang ito sa utang.

SMNI NEWS