Senator Pacquiao, madaling mauto ayon sa dati nitong image adviser

Senator Pacquiao, madaling mauto ayon sa dati nitong image adviser

PINATOTOHANAN ng Sports journalist na si Snow Badua sa eksklusibong panayam ng Sonshine Radio na madaling mauto si Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Badua, mabilis siyang maniwala sa sulsol ng mga nakapaligid sa kanya.

‘’Yun ang naging problema kay Manny eh, nakikinig siya sa mga tao niya na pinupuri siya…so ako ayoko yun,’’ayon kay Snow Badua

Diin ni Badua na Sports journalist, napapaikutan si Pacquiao ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Kagaya nalamang ng nangyari sa Maharlika Pilipinas Basketball League ng senador na panay ang kuha ng pera ng mga tao niya gamit ang kanyang pangalan.

‘’Yung mga tao na nasa paligid niya ang nagiging problema niya,’’saad nito.

May payo naman si Badua kay Pacquiao lalo na’t nag-aambisyon itong maging Pangulo ng bansa.

‘’Isa pa dapat alisin ni Manny dito pride sa sarili niya na pag may sinabi siya para ng Diyos siya….Kasi sikat ako, Manny Pacquiao ako. Kasi hindi natin maaalis sa kanya yung kanyang superstar syndrome,’’ayon kay Badua.

SMNI NEWS