Pilipinas, magpapadala pa ng karagdagang supplies sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS

Pilipinas, magpapadala pa ng karagdagang supplies sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS

MAGPAPADALA pa ng karagdagang supplies sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ang Pilipinas.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Vice Admiral Alberto Carlos, Chief ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-base sa Palawan ay magpapadala pa ito ng karagdagang supplies sa susunod na linggo bago maubos ang naunang naihatid na suplay.

Matatandaan na hinarang at ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga tauhan ng PCG na patungo sana sa Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre.

Sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., plano nitong magdeploy pa ng maraming barko at aircraft para magbantay sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng bansa at ma-established ang presensiya ng Pilipinas sa lugar.

Follow SMNI NEWS on Twitter