MANANATILING top 1 global rice importer ang Pilipinas sa buong mundo ngayong taon.
Ayon sa ulat ng United States Department of Agriculture (USDA), nasa 3.8 milyong metriko toneladang bigas ang inaasahang i-import ng Pilipinas ngayong taon.
Pumapangalawa naman sa Pilipinas bilang top rice importer ang China na sinundan ng Indonesia, European Union, at Nigeria.
Kabilang din sa mga bansang nakikitang tumaas ang rice imports ngayong taon ang mga bansang Iraq, Afghanistan, Angola, Bangladesh, Congo, Cub, Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya, Madagascar, Malaysia, Mexico, Nepal, Saudi Arabia, Sierra Leone, United Arab Emirates, United Kingdom, United States, at Yemen.
Pero ayon naman sa datos ng Bureau of Plant Industry, sa ikalawang linggo ng Enero ngayong taon ay nakapag-import ang Pilipinas ng 3.6 milyong metriko toneladang bigas na mas mababa kumpara sa naangkat noong 2022 na umabot sa 3.3 metric tons.