MAPANGANIB ang Pilipinas para sa mga nagbubuntis ayon sa non-profit news organization na Climate Central.
Ito’y dahil pang-siyam ang Pilipinas sa buong Asya pagdating sa pagkakaroon ng matinding init na resulta ng pagbabago ng klima sa nakalipas na limang taon.
Ang matinding init ay nagiging sanhi naman sa mataas na kaso ng preterm birth at komplikasyon sa kalusugan ng mga ina.
Ang datos ay kinuha ng Climate Central mula sa pag-aaral nila araw-araw sa temperatura ng 247 bansa at teritoryo at 940 na lungsod mula taong 2020 hanggang 2024.