KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na may local transmission na ng mas nakakahawang Delta variant sa bansa.
Sa ginawang phylogenetic analysis ng Philippine Genome Center, case investigation ng Epidemiology Bureau ng DOH at regional at local Epidemiology and Surveillance Units, nakita na may kaugnayan ang clusters ng Delta variant cases sa ibang local cases.
“Following the phylogenetic analysis conducted by the University of the Philippines – Philippine Genome Center, and case investigation by the DOH Epidemiology Bureau and the regional and local epidemiology and surveillance units, clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission,” ayon sa pahayag ng DOH.
Dahil dito ipinunto ng DOH na mahalagang ipagpapatuloy ang ipinapatupad na istriktong border control measures at mas pinag-igting na local COVID-19 responses.
Kahapon lang din iniulat ng kagawaran na may na-detect na karagdagang 12 local cases ng Delta variant sa bansa.
Sa kasalukuyan 47 na ang kaso ng naturang variant, 23 ang local cases, habang 24 ang imported cases.
May mga naitala ng nakarekober sa mga pasyente ngunit saad ng DOH patuloy na minimonitor ang kanilang kalagayan.
Saad naman ng Health department simula ng nakapag-detect ng local cases ng Delta variant ang bansa mas pinalakas pa ang COVID-19 response sa mga lugar kung saan natuklasan ang mga kaso sa pamamagitan ng 4 door strategy.
“Upon detection of local cases with the Delta variant, the DOH explained that the government has initiated enhanced COVID-19 response in areas where Delta variant cases were detected through the implementation of the four-door strategy,” ayon sa DOH.
Ang Door 1 at Door 2 ay ang pagpapa-igting ng border controls.
Ang Door 3 naman ay ang striktong pag-implementa ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) habang ang Door 4 ay ang pagsisiguro na handa ang healthcare capacity ng bansa sa posibleng surge ng COVID-19 cases.
Tiniyak naman ng Health department na may sapat na COVID-19 wards, intensive care units at treatment and monitoring facilities beds ang bansa particular na sa mga lugar na may pagtaas ng mga kaso.
Nakapaghanda na rin ang pamahalaan ng sapat na suplay ng COVID-19 medicines, oxygen tanks, critical care equipment sa mga ospital at karagdagang human resources.
Hinimok ng DOH ang mga local government unit na mas pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga senior citizen at person with comorbidities.
Mga Pilipino dapat magtiwala sa COVID vaccines-PACQ
Samantala, binigyan diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, na dapat magtiwala ang mga mamamayang Pilipino sa mga na-develop na COVID-19 vaccines.
Saad ng butihing Pastor ang sa dalawang taon ng pandemya napag-aralan na ng mabuti ng mga eksperto ang mga bakuna.
“Kung ano man ang hakahaka ninyo about that sila rin ang mga siyentipokp na nag-imbentor ng flu vaccine vaccines. For 2 years talagang napag-aralan na ng husto ng mga scientists ang virus na tatapos ang mutation via scientific means so walang dapat ikabahala ang mga tao,” payo ni Pastor Apollo.