IPINAMALAS ng mga atletang Pilipino ang pagiging hari sa boxing matapos nitong nilampaso ang ibang bansa sa ika-anim na araw ng Southeast Asian (SEA) Games.
Mainit ang labanan para sa boxing events kahapon, May 10.
Sa Chroy Changvar Convention Center, nagkaharap ang mga atleta mula sa iba’t ibang Southeast Asian countries para sa semifinals.
Pero agaw-pansin ang Philippine Team matapos nitong maipanalo ang lahat ng laban sa kahapon na halos via unanimous decision.
Kabilang sa nanalo sa araw ng Miyerkules si Rogen Ladon para sa Flyweight Division matapos nitong matalo si Muhhamad Abul Arrifin ng Malaysia via split decision.
Ian Bautista ng Featherweight Division ay nanalo laban kay Naing Latt ng Malaysia.
Wagi sa Welterweight Division si Norlan Petecio laban kay Jun Jie Tan ng Singapore.
“Mahirap na kalaban talaga yung Singapore. Malakas at matangkad. … Yun po ang ngpapanalo sa akin,” ayon kay Norlan Petecio.
Tinalo naman ni John Marvin sa Light Heavy Division si Nasredinov Anvar ng Cambodia.
Wagi naman si Nesthy Petecio sa Women’s Featherweight Division laban sa Cambodian na si VY Sreysros.
Si Nesthy ay emosyonal at masaya sa pagkapanalo sa unang SEA Games ng kaniyang mas nakababatang kapatid na si Norlan.
Pero kaniya ring inilahad na mayroon pa siyang mas nakababatang kapatid na babae na pumasok na rin sa pagboboxing.
“Ang layo na ng narating nya. Sobrang proud ako sa kanya. … Ito iba to kasi lalaki sya. Medyo kabado ako,” wika ni Nesthy Petecio
Sa huli ay nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga Pinoy boxers sa lahat ng mga Pilipino na sumusuporta sa kanila.
“Maraming salamat sa mga suporta nila. Sa mga sumusuporta sa amin… I love you te,” saad naman ni Norlan Petecio.
Samantala, kabilang naman na nanood sa laro ng mga Pinoy athletes ay sina Philippine Olympic Committee Chairman Bambol Tolentino, Cong. Richard Gomez, at Sen. Francis Tolentino na nagpaabot ng kaniyang mensahe.