Pilipinas, nasa ika-5 spot sa medal tally sa 2023 ASEAN Para Games

Pilipinas, nasa ika-5 spot sa medal tally sa 2023 ASEAN Para Games

NASA ika-limang spot ang Pilipinas sa medal tally sa 2023 ASEAN Para Games.

Sa huling update, nakakuha na ang bansa ng 116 na kabuuang medalya.

34 ang gold, 33 ang silver at 49 ang bronze.

Nangunguna naman ang bansang Indonesia na may kabuuang 153 na gintong medalya.

Pangalawa ang Thailand na may 123, 66 naman sa Vietnam at pang-apat ang Malaysia na may 47.

Habang nasa ika-walong spot naman ang host country na Cambodia na may siyam na gold medal.

Nagsimula ang palaro nitong Hunyo 3 at magtatapos ngayong araw, Hunyo 9.

Nasa 11 bansa naman ang mula sa Southeast Asian ang kalahok sa 2023 ASEAN Para Games.

Follow SMNI NEWS in Twitter