Pilipinas, pangatlo na sa e-commerce sa South East Asia

Pilipinas, pangatlo na sa e-commerce sa South East Asia

PANGATLO na ang Pilipinas sa larangan ng e-commerce sa South East Asia.

Batay ito sa pag-aaral ng Philippine E-Commerce Association (PECA).

Kasunod ang Pilipinas sa mga bansang Indonesia at Vietnam.

Ayon sa PECA, tumataas na rin ang bilang ng mga Pilipinong nabibiktima ng iba’t ibang uri ng scam dahil sa online transactions.

Bilang solusyon ay mas mainam anila na umunlad na rin ang teknolohiya ng bansa laban sa scams at kinakailangan dito ang suporta ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter