Pilipinas, planong mag-export ng table at processed eggs sa Taiwan

Pilipinas, planong mag-export ng table at processed eggs sa Taiwan

PLANO ng Pilipinas na mag-export ng table at processed eggs sa Taiwan hanggang sa katapusan ng September.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), mismong ang Taiwan Council of Agriculture ang nagpahayag ng interes dahil kasalukuyan itong nakararanas ng egg shortage.

Kailangan lang anila ng Taiwan na hindi apektado sa Newcastle disease maging sa high at low pathogenic avian influenza ang mga ini-export na produkto.

Ang mga interesadong exporters ay inaasahang magpadala ng kanilang application at requirements sa National Veterinary Quarantine Services Division ng BAI.

Dapat ding magbigay ang mga ito ng kopya ng business permit mula sa kanilang mayor; registration mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) o sa Department of Trade and Industry (DTI); taxpayer identification number; process flow; letter of authority mula sa representative ng kompanya at iba pa.

Para sa mga interesado ay hinikayat ng BAI na makipag-ugnayan sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram