Ja Morant, sumailalim na sa counseling program

Ja Morant, sumailalim na sa counseling program

SUMAILALIM na sa counseling program ang Memphis Grizzlies star na si Ja Morant at wala pa ring ibinibigay na petsa kung kailan ito magbabalik upang maglaro sa NBA ayon sa ESPN.

Ayon kina Kela Adrian Wojnarowski at Tim Macmahon, layon ng counseling program na mapabuti ang stress management at overall well-being ni Morant.

Matatandaan na sumailalim sa kontrobersiya si Morant at nag-trending sa social media matapos itong makitaang may hawak na baril sa kaniyang instagram live habang ito ay nasa impluwensiya ng alak.

Samantala ay agad naman nag deactivate ng kaniyang social media accounts si Morant matapos ang insidente at agad na naglabas ng pahayag at sinabing inaamin at humihingi siya ng paumanhin sa kaniyang naging pagkakamali.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng NBA ang insidente at sinabi na rin ng opisyal ng Memphis na papanagutin si Morant sa mga naging aksiyon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter