Pilipinas, sisimulan na ang taunang pag-export ng durian sa China

Pilipinas, sisimulan na ang taunang pag-export ng durian sa China

SISIMULAN na ng Pilipinas ang taunang pag-export nito ng hindi bababa sa 54,000 metric tons ng premium fresh durian sa China ngayong taon.

Pinapalakas na ngayon ng mga stakeholder ang kanilang produksiyon upang matugunan ang mataas na pangangailangan na kaakibat ng kasunduan.

Ang Eng Seng Food Products at Belviz Farms na nakabase sa Davao City ay dalawa lamang sa mga pribadong durian grower na naghahanda para sa Chinese market para sa mga durian ng Pilipinas.

Ito ay bilang bahagi ng fruit export deal na sinigurado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang state visit sa China.

Follow SMNI NEWS in Twitter