Pilipinas target makapag-export ng mangga at saging sa Egypt

Pilipinas target makapag-export ng mangga at saging sa Egypt

TARGET ng Pilipinas na makapag-export na rin ng mangga at saging sa Egypt.

Ibinahagi ito ng Department of Agriculture (DA) matapos anila unang payagan ng naturang bansa na makapag-export sa kanila ang Pilipinas ng durian.

Bilang kapalit ay sinabi na rin ng DA na papayagan nila ang pagpasok ng ubas at ware potatoes, isang uri ng patatas mula Egypt.

Aangkat na rin sa kanila ang Pilipinas ng bawang at sibuyas.

Maliban sa Egypt ay nakakapag-export ang Pilipinas ng durian sa New Zealand habang mangga sa Italy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble